May 11, 2009
tama ba…
na maging masaya ako na dumating ka sa buhay ko…
nang di sinadya ay nagkrus ang magkaiba nating landas…
at nagdugtong ang buhay ko at buhay mo…
at sumilay ang ngiti sa aking mga labi…
nang sumilip ang araw sa madilim kong paligid…
at mula sa malayo ay natatanaw kita…
papalapit sa akin ang maamo mong mukha…
at bumilis nang bumilis ang tibok ng puso ko…
at maraming naglaro sa malikot kong isip…
may dahilan daw ang bawat bagay sa buhay natin…
at bawat taong dumadating sa buhay natin ay may gagampanan…
bakit nga kaya naitanong ko sa sarili ko…
dapat nga ba akong matuwa?
tama ba…
na maging bahagi ka ng bawat araw ko…
ang malungkot ‘pag ‘di ka nakita kahit isang araw man lang…
at mapuno nang saya pag nakita ka na ulit…
mababaw ang halakhak sa bawat mong biro…
manatili ang ngiti ‘pag naapuhap ka ng alaala…
ang panoorin ang bawat mong galaw…
at pasukin ang malawak mong mundo…
mahiga sa malambot mong unan…
humilig sa iyong balikat…
mabusog sa yakap mong mahigpit…
dapat ko ba itong maramdaman?
tama ba…
managhili kung may kasama kang iba
na mabighani ka ng kanyang ganda…
mainggit ‘pag tinapunan mo sya ng malagkit mong tingin…
masaktan ‘pag napangiti ka nya…
at maangkin nya ang matamis mong labi…
o kulungin sya ng iyong mga bisig…
at maabot nya ang langit sa iyong piling…
dapat ba akong makialam?
tama ba…
na gustuhin kon